You Gotta Lyric
You Gotta Lyric
2026-02-27
Nag-iisip na rin ba kayo ng ways to beat the heat and feel fresh? Sagot na ng BGYO ang refreshing jamming! At syempre may kasamang dance steps ang latest single nilang "Fresh!" Magpapahuli ba naman sa BGYO dance tutorial ang ‘feeling Gen Z’ tito na si Ogie Alcasid?! Feel na feel din ni Lassy ang 'freshness' para mapansin ng gwapong lima! Sinasabing Cavite ang lugar ng matatapang! No wonder na ang mga residente ng Dasmariñas, ang pinakamalaking city sa 'Etivac', sa 'Laro Laro Pick' game arena ay buong tapang na sumabak. Lalabas din talaga ang tapang mo kapag nakaharap mo si 'ex' o kahit 'yung kamukha lang at kapangalan niya. Ehem, ehem, si Kim Chiu, parang may iniiwasan, narinig lang ang 'Jorald' na pangalan. Kinilala rin ng hosts si Amihan, na hiniram ang pangalan ng sinasabing kahawig niyang si Iza Calzado, na ginagamit niyang alias sa mga gay beauty pageants. Para i-flex ang awrahan nyang kontesera, nag-sample si Amihan ng pangmalakasang intro. Kaso muntik magkabungin dito! Hindi Dasmariñas kundi ibang lugar ang nabanggit ng nire-represent ni Amihan, na para bang isa siyang flying voter sa botohan. Atecco, ano ang katotohanan?! From tawanan, nauwi ang eksena sa kilig-kiligan with JM Dela Cerna and Marielle Montellano a.k.a. JMielle as singers sa You Gotta Lyric round. Naglakas loob nga si Jen na sugalan ang P150k POT question. Dapat nga naman mag-take risk para sa mga bills at utang. Lately kasi ay survival mode sila ni husband. Pero minsan talaga'y mapaglaro ang tadhana. Dahil sa tanong kung ilan ang butas ng sungka, 14 ang sagot niya no'ng una, pagkatapos ay 16, na siyang tumpak. Pero ang tatanggapin ay ang una niyang sagot. Sayang! Super fun and amazing ang kantahan sa Ika-10 Taon ng 'Tawag Ng Tanghalan' kaya nag-enjoy sa pag-upo bilang mga hurado sina Bitiun Escalante at Marielle Montellano, at si Erik Santos, ang Punong Hurado sa araw na 'to. Kung dati sa inuman ni tatay lang siya kumakanta, ngayo'y TNT na ang entablado ni Will, singing Bamboo's "Probinsyana." Nagustuhan ni Erik na hindi ginaya na Will si Bamboo at sa halip ay nagpakatotoo ito sa sarili niyang istilo. Sabi nga ni hurado Bituin, consistent ang personality ni Will mula pagkanta hanggang interview. As on OFW mother, goal ni Jeszammae ang maging winner, hindi lang sa life kundi sa TNT stage rin. "My Heart Will Go On," hugot niya sa entablado. Sabi ni hurado Bituin, maganda ang range and power ni Jeszamae pero ang disadvantage ng pagkanta ng "My Heart Will Go On" ay 'yung maikukumpara ka talaga sa original singer na si Celine Dion. Sa huli, nanaig ang tinig ni Will, na nakakuha ng 93% score laban sa 91% ni Jeszamae. #Showtime #ItsShowtime #ABSCBNEntertainment