Joaquin, inakalang Christmas season pa rin!
Joaquin, inakalang Christmas season pa rin!
2026-03-16
March masaya ang FUNanghalian dahil looking forward na ang everyone sa mga trip na pipilitin nating makulayan. Pero bago ang summer vacay, laugh trip muna ang agenda natin this Monday, G? I-ready na rin ang playlist! For sure ika'y na-LSS na sa kantang "Tahanan" ng tandem nina El Manu at Jessy Kang. Back to the outside world na talaga ang mga "PBB Collab 2.0" Kapamilya Big Placers na sina Krystal Mejes (2nd Big Placer), Joaquin Arce (3rd Big Placer) at Miguel Vergara (4th Big Placer). At ang first stop nila from Bahay Ni Kuya ay "It's Showtime" studio. Nakakaaliw ang reaksyon nina Joaquin, Krystal at Miguel nang marining ang boses ni 'Kuya.' Natulala pa nga si Krystal sa pagkabigla, pero hindi naniniwala, kaya muntik pang bigyan ng special task na bumalik sa bahay. Hanggangg sa ma-reveal ang prank! Si Jhong Hilario pala ang nasa likod ng boses. Naki-join din ang ex-housemates sa fun games sa 'Laro Laro Pick' kung saan nakasama nila ang mga beloved lolo't lola. Kung tambay session 'to, si tatay Danny ang taya sa never-ending na kuwento. Idol niya si Vhong Navarro, kaya kuhang-kuha ni tatay ang karisma at pagiging maginoo. Kinilala rin ng hosts si Lita, ang masipag na labandera. On the road to moving on naman si Bonz, na kakahiwalay lang sa partner niya for 12 years. Mabuti na lang ay nand'yan si Vhong upang iya'y pangitiin. Sa pangalan pa lang ni Pat, ang senior citizen fish vendor player na umabante sa 'Laro Laro Pick' final game, alam mong itinadhana sa kan'ya ang jackPOT. Hindi siya nagpasilaw sa P30,000 Li-Pot offer, at matapang na sinugalan ang P150,000 Pot question. Nagwawagi ang matatapang! Nagbunga ang lakas ng looob ni Pat, at naiuwi niya ang prize money matapos masagot ang tanong tungkol sa history. Favorite subject daw niya kasi ang social studies no'ng siya'y estudyante! Mga pambato ng ika-anim na rehiyon naman ang susubok na maging kampeon sa 'Tawag Ng Tanghalan' Ika-10 Taon. Hinarana ni Jay-Ar ang madlang people at mga hurado sa nakaka-in love ne bersyon ng "Kahit Isang Saglit." Naaliw ang 'Showtime' family dahil from barakong crooner, pagkatapos ng performance ay nag-transform si Jay-Ar into a softie na may pusong girl. Good vibes nga ang hatid niya sa pakikipagkuwentuhan sa hosts at nag-sample pa ng mga hidden talents niya! Nagustuhan nina Marielle Montellano, Nyoy Volante at Jonathan Manalo ang pagtatanghal, with Punong Hurado Jonathan praising Jay-Ar's mastery of the song and beautiful low notes and vibrato. Komento rin ni Marielle, napakaganda ng hagod! Dagdag ni hurado Nyoy, napakalinaw ng mga letra. Sunod na nagtanghal si Genezel, na magkahalong sakit at tamis ang pagkakaawit ng "Starting Over Again." Mahilig si Genezel sa K-Drama, kaya naman may instant K-Drama moment siya with our oppa! Take it away, Ryan Bang! Pare-pareho naman ang komento ng mga hurado na medyo may 'delay' sa timing. Gayunpaman, makakatulong kay Genezel ang mga advice ng mga hurados. Sa huli, ang unang kalahok na si Jay-Ar ang itinanghal na panalo sa score na 92.3%. #Showtime #ItsShowtime #ABSCBNEntertainment