Ginalingan! Lucas, nag-flex ng acting skills
Ginalingan! Lucas, nag-flex ng acting skills
2026-01-31
Espesyal ang edisyon ng 'Laro Laro Pick' kasama ang cutest chikitings, katulad nina 'Batang Cute-Po' Argus at Briseis, at ilang 'Goin' Bulilit' kids. May special co-host din si Vice Ganda, walang iba kundi ang 'anak' niyang si Lucas Andalio! Hindi inatrasan ni Lucas ang hamon na makipag-aktingan kina Vhong Navarro at Jhong Hilario. Pinabilib niya ang mga manonood sa husay niyang itawid ang eksena kahit on-the-spot. Ang bilis umiyak, kaya pati Madlang People sa studio nahawa sa kanyang mga luha! Trip naman ni Meme na papiliin ang kids kung sino kina Jhong at Vhong ang mas pogi! Si Kuys Vhong, iba ang ngiti dahil siya ang napili. May special participation din si Imogen, ang leader of the band sa 'You Gotta Lyric' round. Ang mga little kids napa-sing along sa trending Saja Boys song. At wala man siya sa game arena, naalala pa rin ng Showtime family si Kelsey, na nagse-celebrate ng birthday. Kelsey, may message sa'yo si Argus! Pagkatapos ng translation game sa 'It's Giving' at kantahan sa 'You Gotta Lyric,' si Kendall ang dinapuan ng swerte dahil sa jackPot round, siya ang umabante. One hunderd thousand pesos ang POT money, at kung makukuha ni Kendall, ido-donate ang kalahati. Very good 'yan si Kendall. Mas gusto niya ang arts and crafts kaysa sa gadget. Kaya si Meme, napa-wow! Kinumbinsi ni Lucas si Kendall na tanggapin ang P25,000 sa Li-Pot. Pero ang ibang kids, pati na si Argus, ang sigaw ay POT! Buti na lang matapang si Kendall dahil ang Pot question ay kering-keri niyang sagutin. At dahil nasagot niya nang tama, umuwi siyang panalo! Very proud ang kapatid niyang si Kylie, na kasama rin niyang maglaro. Sa unang 'Regional Finals' ng 'Tawag Ng Tanghalan Ika-10 Taon,' limang daily winners mula NCR ang naglaban-laban. Paano mo naman makakalimutan ang boses niyang standout sa tanghalan? Sinimulan ni Sidro Quilicol ang digmaan ng tinig, singing "Paano." Hugot naman para sa mga 'di maka-move on ang "Here I Am" ni Ron Ballen. Samantala, nabilangan man nina hurado Erik Santos at hurado Klarisse De Guzman, maayos na natapos ni Sean Karl Caleja ang pagkanta ng "Ikaw At Ako" sa entablado. Almost 'gong' ang kapalaran ni Georgina Luisa na dalawang beses din nabilangan sa pagkanta ng "Almost" ni Tamia. At kung sakaling naghahanap ka ng pampakilig, isang harana ang hatid ni Xylem Singson, na inawit ang "Kung Sakali." Pagkatapos ng limang pagtatanghal, naging honest sina Erik, Klarisse, at Punong Hurado Louie Ocampo na nakulangan sila sa lahat ng performances. Kaya biro ni Vice Ganda, "Wala tayong winner today." On a serious note, maaaring "weak song choices" at "lack of preparation" ang problema, sabi ni Erik; at baka kinabahan din ang contenders, dagdag ni Klarisse. Kaya ang naging basehan nila sa pagpili ng winner ay storytelling, pinakamalinis na performance, at sustaining power sa competition. Si Sidro ang hinirang na panalo. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #abscbnentertainment #ShowtimeNCRegionalFinals