Bye, P450k! ASPIRING LAWYER, nag-settle sa P25k Li-POT
Bye, P450k! ASPIRING LAWYER, nag-settle sa P25k Li-POT
2026-03-26
Chill lang ang masarap na jamming kasama ang isa mga power women ng OPM scene. Si Kitchie Nadal ang bahala sa sound trip natin this Huwebes. Abante, babae! May music trip na with Kitchie, meron pang kuwentuhan na sobrang fun at ayos na ayos with Glaiza de Castro and Rhian Ramos. Sa 'Laro Laro Pick' game arena, sumulong ang mga taga-Mabuhay, Mandaluyong. Spotted sa studio ang 'kapatid' ni MC. Hala! Para kang namamalikmata! Pero ang ka-tandem niyang si Lassy, nakahanap din ng kakambal. Cianne Dominguez at Cianne MADUMInguez for the win, mga bes! Wala namang kakaba-kaba sa game arena ang player na barista. Mukhang si Jhong Hilario siguro ang kinabahan sa mga 'kape' jokes niyang binitawan. Hirit ni Jhong, si Jackie Gonzaga, walang KAPE-ling. Kuys Jhong, joke time lang tayo dito, walang sakitan ng feelings! Pero, speaking of barista, bakit nga ba mali-mali ang pag-spell nila sa pangalan ng customers? Mukhang nauuso naman sa jackPOT round 'yung mga mag-partner na 'di magkasundo. Katulad ng eksena kahapon, magkaiba ang gustong piliin ng player at kan’yang partner. Muntik pang mag-LQ sina Hillary and her 'bebe.' Pero buti na lang pinakinggan ni Hillary ang sigaw ng kan'yang puso, kaya hindi siya na-zero. Nag-uwi siya ng P25,000. Bonggang bongga ang mga pangarap, kaya naman ang performance, ‘ZAMBONGGA’ rin dapat. Ika-apat na araw na ng Region 9 bakbakan sa 'Tawag Ng Tanghalan.' May mago-gong ba sa mga kamay nina Jed Madela, Erik Santos, at Punongg Hurado Jonathan Manalo? Sa sobrang kaba ng unang kalahok na si Harley, dalawang beses siyang nabilangan at nanganib nang husto. Paliwanag ni Jonathan, muntik na talagang ma-gong by the last line, pero hindi na niya tinuloy ang pagtaas ng kamay dahil patapos na ang kanta. Hirit ni Darren Espanto, bakit may mga nago-gong noon at the last minute. Pinaparinggan nga ba si hurado Erik? Napa-explain tuloy ang Prince of Pop. Break muna sa pagsasayaw si Franchinni. Sa 'TNT' entablado, boses niya muna ang hahataw as he sings Juan Karlos' "Demonyo." May bonus pa! Ipinarinig ni niya ang kantang isinulat para sa babaeng gusto niyang maging nobya. Sa smile of approval pa lang ni Punong Hurado Jonathan, feeling winner na siya! Sa dulo, si Franchinni nga ang itinanghal na panalo matapos makakuha ng 91% na grado. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment